Sunday, January 8, 2012

Marahil Kumunoy ang Puso

marahil kumunoy ang puso;
unti-unti nitong nilalamon ang ako,
ang ikaw,
at siguro pati na rin ang tayo.

dahan-dahan ang proseso
walang pagmamadali.
sistematiko ang paggapang
ng manhid.
may lason ang bawat kumpas -
dahan-dahan din itong pumapatay.