Sunday, January 8, 2012

Distance

Gusto kong matukoy ang eksaktong layo ng puso at puso –

sabi mo andyan ka lang at ‘di malalayo,
kahit saang sulok ka man humayo
walang dagat, bundok o taong
hahadlang pag hinanap nitong puso.

sabi mo, maghintay lang ako dito.
hindi naman ako umalis sa inuupuan ko,
‘di ba’t ganyan ang kapalaran naming mga babae?
maghintay. maghintay. maghintay sa inuupuan.

sabi mo, “huwag kang makulit, babalik ako.”
hindi na ako umimik nang lumamig ang
'yong unan at lumao’y dumilim ang anino ng orasan.

blue nga ba ang mga mata ng amerikana?
totoo bang malambot ang kanilang buhok?

alam ko na.

alam ko na ang eksaktong layo
ng puso at puso:

puso(puso)puso.

No comments: